marami ang nagsasabi na 'masama' ang alak o beer sa katawan, pero kung katamtaman na manginginum ka lang o 'moderate drinker' ay may mga benepisyo rin naman kahit papaano. gaya ng pag inom lang siguro ng isa o dalawang bote ng paborito niyong beer kada araw (bote ha at hinde 'case').
eto po ang limang benepisyo ng beer sa katawan na nahalukay ko:
- ang beer ay may bitamina B at B2 o B6 at may kasama ring potassium, phosphorus at calcium
- ang beer ay nakakatulong ma 'relax' ang katawan, kaya masarap itong gawing pampatulog kesa uminom ng ano mang gamot na pampatulog at hindi ka pa mao-over dose
- ang beer rin daw ay nakakatulong o nakakabawas ng sakit sa bato, siguro dahil ihi ka ng ihi kapag naparami ka na ng toma ng beer
- ang rin daw ay may anti oxidants sa pagdaloy ng dugo sa katawan, kaya siguro ako namumula kapag naparami na ng beer
- at ang beer rin daw ay nakakapagpababa ng sakit sa puso o 'stroke' kung tama ang iyong inom at ito ang may TAMA!
kaya mga repapips, toits na ang maganda sa wankata, ang beer, san ka pa!
note:
- nakuha ko lang sa internet ang benepisyo ng beer
- hinde po ako doctor
- wala akong sapat na katibayan
- pero hindi ako adik
No comments:
Post a Comment